Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Paggunita kay San Felipe Neri, pari”

 

Mayo 26, 2025

MABUTING BALITA

Juan 15, 26 – 16, 4a

Ang Mabutinbg Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ngunit ang Patnubay, ang Espiritu ng Katotohanan, ang paparito mula sa Ama. Susuguin ko siya sa inyo buhat sa Ama, at siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo tungkol sa akin, sapagkat sa pasimula pa’y kasama ko na kayo.
“Sinasabi ko ito sa inyo upang huwag kayong mawalan ng pananalig sa akin. Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga. Darating ang panahon na ang sinumang pumatay sa inyo ay mag-aakalang naglilingkod siya sa Diyos. At gagawin nila ito sapagkat hindi nila ako nakikilala ni ang Ama. Ito’y sinasabi ko sa inyo upang, pagdating ng oras na gawin nila, maalaala ninyong ipinagpauna ko na ito sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Hindi madali ang sumunod kay Hesus sapagkat ang mundo ay taliwas dito. Ang tuon ng mundo ay sa sarili at kung ano ang makukuha natin mula rito. Sa paglilingkod sa Diyos ay iba. Laging para sa ibang tao ang uunawain at sa pag-unawang ito ng iba, mas matatagpuan natin ang tunay na kapayapaan at magpupuno sa atin.

Kaya nga upang maggawa natin ito at ang misyon natin para sa tao, kailangan natin ng patnubay ng Espiritu Santo. Nagdarasal ba tayo sa Kanya?

Siya ang magtuturo sa atin kung ano ang gagawin at gagabay sa atin. Kung mananalangin tayo ng mula sa puso, at tatahimik matapos, may sagot ang Panginoon sa atin. Ang Espiritu Santo ay nasa ating puso. Sasagot Siya kung ating tatanungin dahil ang Diyos ay buhay at laging nakikinig sa atin. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?