Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagiging Bagong Tao”

 

 

 

Enero 20, 2025

Lunes ng Ika-2 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Fabian, papa at martir
o kaya Paggunita kay San Sebastian, martir

MABUTING BALITA
Marcos 2, 18-22

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. May lumapit kay Hesus at nagtanong, “Bakit po nag-aayuno ang mga alagad ni Juan Bautista at ang mga alagad ng mga Pariseo, ngunit ang mga alagad ninyo’y hindi?” Sumagot si Hesus, “Makapag-aayuno ba ang panauhin sa kasalan samantalang kasama nila ang lalaking ikinasal? Hindi! Kapag wala na ang ikinasal, saka pa lamang sila mag-aayuno.

“Walang nagtatagpi ng bagong kayo sa lumang kasuutan; pag urong ng bagong kayo, mababatak ang luma at lalong lalaki ang punit. Wala rin naman nagsisilid ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, sapagkat papuputukin ng alak ang balat. Kapwa masasayang ang alak at ang sisidlan. Bagong alak, bagong sisidlang-balat!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Ang pagpipigil sa sarili ay kailangan natin sa espirituwal na buhay. Ang tawag dito ay “fasting”. Ito ang makakapagpabago sa atin kung matututo tayong pigilan ang sarili sa kinaikain at iniinom. Sa paglilimita nito bilang sakripisyo, magiging malakas din tayo upang pigilin ang sariling iniisip at makikita kung masama ito o mabuti, kung galing sa Diyos o hindi. Kaya nga ngayong araw na ito, tinatawag tayo ni Hesus upang magbagong buhay sa tulong Niya. Ang pag-aayuno ay makakatulong upang maging bagong tao tayo kay Hesus. Kung makakapag-ayuno tayo, ang sobra nating pera ay maaring ibigay sa mga nagugutom, magkakaroon tayo ng kontrol sa sarili at magiging malakas sa espirituwal na paraan para gawin ang tama. Ang buhay natin bilang Kristiyano ay kailangang may sakripisyo upang makapaglingkod sa iba. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?