Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagmamahal sa Kapatid”

 

 

Enero 23, 2024. Martes ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 31-35
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, dumating ang ina at mga kapatid ni Hesus. Sila’y nasa labas ng bahay at ipinatawag siya. Noon nama’y maraming taong nakaupo sa palibot ni Hesus, at may nagsabi sa kanya, “Nariyan po sa labas ang inyong ina at mga kapatid; ipinatatawag kayo.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” ani Hesus. Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot niya at nagwika: “Ito ang aking ina at mga kapatid! Sapagkat ang sinumang tumatalima sa kalooban ng Diyos; ay siya kong ina at mga kapatid.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Sino ang ina at mga kapatid ni Hesus? Ang mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Para sa iba mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig ngunit hindi ganito kay Hesus. Tingnan po ninyo ang iba’t ibang pamilya kung bakit hindi nagkakasundo kahit magkadugo. Ang mga dahilan ay nakakalimutan nila kung paanong magmahal, magpatawad at humingi ng tawad, at tuluyang magsisi sa mga kasalanan sa Diyos at isa’t isa. Lahat ito ay mga utos ng Diyos.

Kaya nga kapag hindi Diyos ang sentro ng pamilya, kapag hindi Siya ang naghahari roon ay puro away at gulo. Ngunit tingnan ninyo ang kahit anong grupo o komunidad na mayroong pagtanggap sa kahinaan ng isa’t isa at pagbibigay ng pag-asa sa bawat isa sa pamamagitan ng salita at gawa, hindi ba’t parang mas madaling madama ang Diyos doon? Sapagkat tunay silang nagiging magkakapatid sa Diyos dahil sa pagsunod nila sa Kanya.

Lahat ng mabuti ay nagmumula sa Diyos at dapat natin itong ipamahagi sa iba, hindi ang galit, inis, poot at inggit na pawang galing sa diablo at puno ng mga kasinungaling baka hindi natin nakikita at patuloy pang pinaniniwalaan. Tanging dasal at sakramento ng kumpisal at Banal na Misa lamang ang makakatulong sa atin para magpatawad at magmahal sa kahit sino bilang ating kapatid sa Diyos. kadugo man o hindi, tayo ay may iisang Ama sa Langit, ang Diyos. Mayroon tayong pananagutan sa Kanya at sa isa’t isa.

Sa huli ng ating buhay, para tayo’y maging karapatdapat sa Langit, tatangunin muna ang ating ginawa sa ating kapatid. Ano nga ba ang mga ginawa natin sa ating kapatid?

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?