Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagpapahayag ng Mabuting Balita”

 

 

 

 

Enero 19, 2024. Biyernes ng Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon.

MABUTING BALITA
Marcos 3, 13-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, umahon si Hesus sa kaburulan, kasama ang kanyang mga pinili. Humirang siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol upang maging kasa-kasama niya, suguing mangaral, at bigyan ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon na tinagurian niya ng Pedro; si Santiago at si Juan, na mga anak ni Zebedeo, sila’y tinagurian niyang Boanerges, na ibig sabihi’y mapupusok; sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, at Tadeo; si Simon na makabayan, at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo sa kanya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Hindi lang ang Labindalawa ang mga tinawag kundi tayo rin. Madalas kasi inihihiwalay natin ang ating sarili at buhay sa misyon bilang mga Kristiyano. Pinalaki ang karamihan sa atin na ang tao ay nabuhay para magtrabaho subalit hindi lang ito ang pakay sa mundo. Higit pa sa lahat ng bagay dito sa lupa, dapat tayong maghanda para sa permanentlyenteng tahanan sa Langit. Ang magiging sukatan natin para mapasok doon ay ang ating pag-ibig na may gawa, iyong tunay na malasakit sa kapwa.

Kailangan nating ipahayahag ang Mabuting Balita sa salita at sa gawa. Ang ating pananampalataya ay pamana mula sa mga apostol. Dapat natin itong namnamin at isabuhay upang maipasa sa iba. Hindi natin magagawang ipahayag ito kung hindi nakikita sa atin at kung hindi natin isinasabuhay. Tulad ng mga apostol, dapat din mayroon tayong iwanan sa ating buhay. Kung ano ang sobra, bawasan natin ito at ibigay sa Diyos at sa iba.

Sobra-sobrang panahon para sa Facebook at iba pang social media? Mas igugol ang oras sa pag-aaral ng pananampalataya, sa pagsisilbi sa Simbahan at sa pagdarasal o pagsisimba kahit hamak na araw at lalo tuwing Linggo bilang ating Banal na Obligasyon. Tiyak napakaraming grasya ang ating makukuha sa paglapit sa Diyos dahil gusto natin at mahal natin Siya. Ikumpara mo ito sa taong lumalapit lamang sa Kanya kapag may problema. Sino ang nagiging tunay na anak ng Diyos?

Iyong lumalapit lagi sa Ama kahit walang kailangan dahil lang gusto niyang makasama at makausap ang minamahal – ang Diyos. Samahan naman natin ng aksyon ang pananalangin.

Sobra ba ang ating pagkain? Ibahagi ito sa iba. Huwag tayong tumanggi sa mga taong humihingi ng tulong na kaya naman nating tulungan kahit gaano kaliit sa paningin natin; ito ay malaki sa taong tunay na nangangailangan. Sa mga maliliit na bagay na ganito natin naipapahayag ang Mabuting Balita sa iba. Ito ang kalooban ng Diyos na dapat nating ginagawa at dapat ding bahagi ng ating buhay hindi lamang tuwing Pasko. Mayroon tayong magagawa, at marami ito. Ang misyon ng mga apostol ay ating dapat ipagpatuloy magpasahanggang ngayon.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?