Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Puso ng Isang Bata”

 

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Puso ng Isang Bata” 

Enero 21, 2024. Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol.

Paalala: Ngayon po ay araw ng Linggo. Magsimba po tayo. Ito po ang ating Banal na Araw ng Obligasyon.

MABUTING BALITA
Marcos 10, 13-16
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may nagdala ng mga bata kay Hesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay; ngunit pinagwikaan sila ng mga alagad. Nagalit si Hesus nang makita ito, at sinabi sa kanila, “Pabayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, huwag ninyo silang sawayin, sapagkat sa mga katulad nila naghahari ng Diyos. Ito ang tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa paghahari ng Diyos tulad ng isang maliit na bata ay hindi mapapabilang sa mga pinaghaharian niya.” At kinalong ni Hesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at pinagpala sila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ng Panginoong Hesus, ang Banal na Sanggol! Paano nga tumanggap ang mga bata? Wala na silang maraming duda at alinlangan pa kapag ang magulang ang nagsasabi sa kanila. Madalas, buong buo ang kanilang tiwala. Hindi nila naiisip na sila ay mas magaling kaysa sa kanilang tatay at nanay. Tayo kaya, ganito rin ba tayo sa Diyos? Tayo ay naturingang mga anak Niya sa bisa ng ating binyag subalit tunay na bilang ama nga ba ang turing natin sa Diyos?

Kung totoo ang sinasabi sa atin ni Hesus, dapat kapag may turo ang Diyos sa salita at sa pamamagitan ng Simbahan ay inaalam at iniintindi natin nang buo. Nangyayaring kahit mga tagapaglingkod ng Diyos ay marahil hindi nalalaman na pinipilit na pala ang sariling kagustuhan kaysa sa tunay na pagsunod sa nararapat. Mahilig ang mga Pilipino sa pagsuway o mga “shortcut” para hindi mahirapan.

Simpleng pagtapon ng kalat ay hindi natin magawa ngunit ang isang taong may puso na gaya ng isang bata ay sumusunod nang wala nang alinlangan, reklamo o tanong pa. Mababa ang kanilang loob at hindi nag-iisip na sila ay mas angat kaysa sa iba. Hilingin natin mula sa Diyos na magkaroon tayo ng ganitong puso. Magsuri tayo ng sarili gamit ang sampung utos at magkumpisal.

Maging mapagtiwala tayo sa Diyos lalo kapag tayo naman ay nananalangin. Huwag na tayong matakot pa. Magtiwala na tayo dahil mayroon tayong Ama sa Langit na handang ibigay ang lahat sa mga taong tunay na nagmamahal at naniniwala sa Kanya sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

 

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?