Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tagumpay sa mga Pagsubok”

Enero 26, 2024. Sabado ng Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
o kaya Paggunita kay Santa Angela Merici
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria Tuwing Sabado.

MABUTING BALITA
Marcos 4, 35-41
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong araw na iyon, habang nagtatakip-silim na, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao, at sumakay sa bangkang kinalululanan ni Hesus upang itawid siya. May kasabay pa silang ibang mga bangka. Dumating ang malakas na unos. Hinampas ng malalaking alon ang bangka, anupat halos mapuno ito ng tubig. Si Hesus nama’y nakahilig sa unan sa may hulihan ng bangka at natutulog. Ginising siya ng mga alagad.

“Guro,” anila, “di ba ninyo alintana? Lulubog na tayo!” Bumangon si Hesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” At sinabi sa dagat, “Tumahimik ka!” Tumigil ang hangin at tumahimik ang dagat. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Sinidlan sila ng matinding takot at panggigilalas, at nagsabi sa isa’t isa, “Sino nga kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at ng dagat?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Nangamba at natakot ang mga apostol sapagkat tila lulubog na ang kanilang bangka at marahil ay iniisip nila na sila ay mamamatay. Dahil sa takot na ito na tila bumalot sa kanilang puso at isip, nawala na sa kanilang ulirat na kasama nila si Hesus. Hindi ba’t ganoon din tayo kapag may pinagdaraanan tayong mga suliranin? Sa mga pagkakataong iyon, hindi ba’t mas madaling makita ang panganib at ano pang negatibong emosyon ating nadarama? Ito ang natural na kahinaan ng tao subalit tinatawag tayo ni Hesus ngayon na laging alalahanin ang Kanyang presensiya may pagsubok man o wala, basta’t sa araw-araw ng ating buhay.

Dapat kung may suliranin sa ating harapan, ang una nating maiisip na tawagin ay Diyos. Hindi dapat maunang malakihan tayo sa problema kung natatandaan nating makapangyarihan ang Diyos sa lahat at makakaya nating pagdaaanan anumang pagsubok sa pamamagitan ng grasya Niya.

Pananalangin ng may pananalig ang solusyon. Magsimba tayo at tanggapin si Hesus sa Eukaristiya para kapag tayo’y may mga dagok sa buhay ay may lakas tayong harapin iyon. Sa ating palagiang pagsisimba ay maaalala nating nasa loob natin ang Diyos hindi lang sa espirituwal na paraan kundi sa literal na paraan at tayo ay bumubuo sa Katawan ni Hesus.

Maging masipag tayo sa pananalig, sa pagninilay at pag-alaala ng Salita ng Diyos. Nasa ating desisyon kung gugustuhin nating maging malakas laban sa tukso dahil binigyan na tayo ng Diyos ng lahat ng mga sandatang ating kailangan sa espirituwal na labanan. Unang una na nga rito ang mga Banal na Sakramento ng Simbahan – pagkukumpisal at ang Eukaristiya. Ito ang baon natin sa oras ng mga tukso at pagsubok.

Hinding hindi lulubog ang bangka ng sinumang taong ang puso ay lulan si Hesus. Bukas po ay araw ng Linggo, magsimba po tayo dahil ito ay ating Banal na Araw ng Obligasyon. Ganito rin ang ating gawin sa lahat ng Linggo ng ating mga buhay.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?