Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tawag ng Diyos”

 

Enero 26, 2024. Paggunita kina San Timoteo at San Tito, mga obispo.

MABUTING BALITA
Lucas 10, 1-9
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, ang Panginoon ay humirang pa ng pitumpu’t dalawa. Pinauna niya sila nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na patutunguhan niya. Sinabi niya sa kanila, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin ninyo sa may-ari na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang bukirin. Humayo kayo! Sinusugo ko kayong parang mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng lukbutan, supot, o panyapak.

Huwag na kayong titigil sa daan upang makipagbatian kaninuman. Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, sasakanila ang kapayapaan; ngunit kung hindi, hindi sila magkakamit nito.

Manatili kayo sa bahay na inyong tinutuluyan; kanin ninyo at inumin ang anumang idulot sa inyo – sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng kanyang upa. Huwag kayong magpapalipat-lipat ng bahay. Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kanin ninyo ang anumang ihain sa inyo; pagalingin ninyo ang mga maysakit doon at sabihin sa bayan, ‘Nalalapit na ang paghahari ng Diyos sa inyo.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Paggunita po kina San Timoteo at San Tito! Ang dalawang obispo na ito ay mga taga-sunod ni San Pablo. Nakakatuwang matapos nating ipagdiwang kahapon ang Kapistahan ng Pagbabagong-Buhay ni San Pablo ay ipinagdiriwang naman natin ang dalawang mga banal na naging instrumento rin ng pagpapalago ng Simbahan noon. Sila ay mga bunga rin ng pagbabagong-buhay ni San Pablo. Kaya nga sa ating buhay ngayon, wala tayong dapat na hinushugan o hinahatulan. Ang lahat ng tao ay maaring magbago.

Ang lahat ng mabuti ay maaring makagawa ng masama kung sila’y magiging mapagmataas at hindi magbabantay at magsusuri ng sarili.
Sa ebanghelyo natin ngayon, sino ba ang mga tinawag ng Diyos? Tayo ay kasama rin sa mga tinawag Niya. Hindi natatapos ang tawag ng Diyos sa mga hinirang na bilang santo. Tayo rin ay tinatawag na maging banal dito ngayon sa ating buhay. Ngayon ay nabasa rin natin na sinabi ni Hesus na ipanalangin natin na maraming gumawa para sa Kanyang bukirin.

Lahat tayo ay may tungkuling manalangin para sa bokasyon ng pagpapari, relihiyoso, mga kinakasal sa Simbahan at mga maglilingkod sa Simbahan sa anumang estado ng buhay lalo na ang pagiging laiko. Lahat tayo ay may kanya-kanyang tawag mula sa Diyos. Ipanalangin natin na ang bawat isa ay madiskubre ito mula sa Diyos at makatugon dito.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

San Timoteo at San Tito, ipanalangin mo po kami. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?