Apologetics / Reflections Bible Catholic Church Catholic Faith

Banal na Imahen sa Katolisismo: Hindi Kailangang Kamukha

 

Maraming iba’t ibang pagtutol ang binabanggit ng mga hindi Katoliko pagdating sa katuruan natin sa mga santo at sagradong image o rebulto. Ang isa na nais ko bigyan ng kasagutan ay ang argumento na dahil daw hindi eksaktong kamukha ng ating mga sagradong imahe ang nirerepresenta nito, tulad ng ating Panginoong Hesus, si Maria at mga santo ay idolatriya na raw ito. Ayon sa iba, ang binibigyan daw natin ng respeto ay ang rebulto o kaya ang ibang tao, hindi ang nirerepresenta nila.

Una, mayroon tayong ideya kung ano ang itsura ni HesuKristo at ni Maria. Pagdating kay Hesus, isa sa batayan ay ang “Shroud of Turin” lalo na’t may ebidensya tayo na ito ay tela na ginamit kay Hesus at ebidensya ito para sa Kanyang muling pagkabuhay [1]. Pagdating kay Maria naman, mayroon din tayong basehan tulad sa “Miraculous Tilma” kung saan ang ebidensya ay nagtuturo na ito ay gawa ng Diyos [2].

Ikalawa, marami tayong halimbawa ng mga rebulto o imahe na hindi naman eksaktong kahawig ng nirerepresenta nito na binibigyan natin ng galang. Isang halimbawa ay ang rebulto ni Jose Rizal. Ang rebulto ni Jose Rizal ay hindi eksaktong kahawig ng tunay na Jose Rizal. Bukod pa rito, nagbibigay ng saludo ang mga Presidente, tulad ni Presidente Bongbong Marcos, sa harap ng rebulto ni Rizal [3]. Sa kabila nito, hindi naman natin siya sasabihan na siya ay nagbibigay ng respeto sa ibang tao o kaya ay idolatriya ang kanyang ginagawa. Kahit sa Bibliya, may mga imahe tayo ng kerubin o mga anghel kahit na wala naman silang pisikal na itsura dahil sila ay ispiritu.

1 Hari 6:22-23
22 Binalot din ni Solomon ng lantay na ginto ang buong loob ng Templo, pati ang altar sa Dakong Kabanal-banalan. 23 Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan, nagpalagay siya ng dalawang kerubin, imaheng nililok sa kahoy na olibo. Apat at kalahating metro ang taas ng bawat isa.

1 Hari 8:54
54 Nakaluhod si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh at nakataas ang mga kamay samantalang nananalangin. Nang matapos ang kanyang pananawagan kay Yahweh,

Hindi lamang sa gumawa ng sagradong imahe ng mga anghel ang Haring Solomon na alam natin ay imposible maging eksaktong kahawig nito ang tunay na anghel na purong ispiritu pero si Solomon ay nakaluhod sa harap ng altar at sa harap din ng mga sagradong imaheng ito.

Ang layunin ng mga sagradong imahe at rebulto ay hindi upang sambahin sila bilang diyos diyosan o kung ano pa man. Sa halip, ito ay maging palatandaan sa Diyos at sa mga santo o anghel na pumapalibot sa atin upang ating bigyan ng paggalang. Hindi kasalanan ang magkaroon ng sagradong imahe. Hindi ito taliwas sa Bibliya. Sa halip, ito mismo ang halimbawa na ating mababasa sa Salita ng Diyos. Amen. +

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

    By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to