Apologetics / Reflections Catholic Church

PARA SA MGA HINDI NANINIWALA SA DIYOS

 

 

 

 

 

Bakit nga ba may Impyerno?

May ilang tao na hindi naniniwala sa Diyos at ang tawag sa kanila ay “atheist.” May mga atheist na iniiwanan nila ang kanilang relihiyon dahil sa pananaw natin patungkol sa impyerno. Tila ba ang perspektibo nila ay para bang hihingi tayo ng awa sa Diyos at kung hindi Siya sasambahin, may masamang gagawin ang Diyos sa atin.

Kung mapapansin natin, wala sa kanilang pagpapaliwanag ang awa at pag-ibig na Diyos ang unang nagbibigay para sa mga tao. Gayunpaman, hindi ito nagbibigay ng tugmang impormasyon patungkol sa impyerno. Marahil, maganda makita ang sinabi ng isang santo at mystic na si St. Faustina, ang nag-sulat ng “Diary – Divine Mercy in My Soul” na batay sa mga private revelations na natanggap niya kay Hesus. Sinabi ni St. Faustina,

Diary, 1698
“Bagaman ang isang tao ay nasa punto ng kamatayan, ang mahabaging Diyos ay nagbibigay sa kaluluwa ng maliwanag na sandali sa kanyang kalooban, upang kung ang kaluluwa ay handa, ito ay may posibilidad na bumalik sa Diyos. Ngunit kung minsan, ang pagmamatigas sa mga kaluluwa ay napakalabis na sinasadya nilang piliin ang impiyerno; ginagawa nilang walang saysay ang lahat ng mga panalangin na iniaalay ng ibang mga kaluluwa sa Diyos para sa kanila at maging ang mga pagsisikap ng Diyos Mismo… [1].”

Kung mapapansin natin sa kanyang sinabi, kahit na malapit ng mamatay ang isang tao, binibigyan pa rin siya ng maraming grasya dahil sa kahabagan at pag-ibig ng Diyos kung saan nakikita ng taong ito ang katotohanan at ang kanyang mga kasalanan. Binibigyan siya ng tunay na oportunidad na makapagsisi na nagiging dahilan upang matanggap ang kaligtasan na lagi inihahandog sa kanya ng Diyos. Ngunit, dahil sa tayo ay may kalayaan, ang isang tao ay malaya na magbigay ng “oo” sa Diyos o magbigay ng “hindi” sa Diyos kahit na alam ng tao na hindi ito ang tama para sa kanya. Hindi nagkulang ang Awa at Pag-ibig ng Diyos kundi ang mga taong pumili ng impyerno ang nagbalewala ng mga ito. Ayon sa turo ng Simbahang Katolika,

CCC 1033
1033 Hindi tayo maaaring makiisa sa Diyos maliban kung malaya nating pipiliin na mahalin siya… Ang mamatay sa mortal na kasalanan nang hindi nagsisisi at tinatanggap ang mahabaging pag-ibig ng Diyos ay nangangahulugan ng pananatiling hiwalay sa kanya magpakailanman sa pamamagitan ng ating malayang pagpili. Ang estadong ito ng tiyak na pagbubukod sa sarili mula sa pakikipag-isa sa Diyos at sa mga banal ay tinatawag na “impiyerno [2].”

Mahalaga maunawaan natin na hindi nais ng Diyos na parusahan tayo. Ito ang dahilan kung bakit binibigyan Niya tayo ng Kanyang grasya at lagi Niya inihahayag sa atin ang katotohanan sa pamamagitan ng atin konsensya, na kung minsan ay hindi natin Siya napapakinggan dahil pagpili sa kasalanan. Gayunpaman, kahit sa huli, kahit bago pa tayo mamatay, ay may oportunidad pa rin tayo na magsisi at bumalik. Gusto ng Diyos na mailigtas ang lahat. Subalit, ang tao ang ayaw mailigtas dahil sa tahasang pagpili ng mali. Pinipili nila ang mamuhay ng walang Diyos. Ang estadong ito na walang hanggang ay ang impiyerno.

May mga atheists na maaaring magsabi na kahit walang masama sa hustisya ng Diyos, hindi raw patas ang parusa o ang mga pagdurusa na nararanasan ng mga nasa impyerno. Halimbawa, kung may magulang at hindi sila minamahal ng kanilang anak, dapat ba na saktan nila ang kanilang mga anak o kaya ay bigyan ito ng pagpapahirap para lamang pwersahin sila? Hindi ito tama, ngunit hindi rin tama ang ganitong pagkakatulad pagdating sa Diyos. Upang mas maunawaan ito, tingnan natin ang sinasabi nilang pagparusa. Ang isang bagay na naging hindi maganda sa kanilang buhay ay sinisisi nila sa Diyos subalit hindi nila naisip na marahil ito ay ang natural na epekto ng kanilang ginawa.

Tignan natin ang ilang halimbawa. Kung may isang tao at sinugatan niya ang kanyang sarili gamit ang kutsilyo, ang natural na epekto nito ay masasaktan siya at mababawasan siya ng dugo. Kung may isang tao naman na tumalon mula sa mataas na lugar, ang natural na epekto nito ay mababalian siya ng buto, masasaktan siya, at maaari rin siyang mamatay. Hindi ito ginawa ng ibang tao kundi ito ang epekto na ginawa ng sarili niya na tila ba siya ang nagparusa sa kanyang sarili. Hindi katuruan ng Simbahang Katolika na ang Diyos ay isang malupit na tagapagparusa dahil ang katotohanan, ang nararanasan ng nasa impiyerno ay ang natural na epekto ng kanilang kagustuhan na hindi samahan ang Diyos sa langit. Ang Diyos ang Pag-ibig. Si Hesus ang Prinsipe ng Kapayapaan at ang ating Liwanag. Walang hanggan ang kaligayahan sa langit. Hindi ba’t pagdurusa, kalungkutan, at kadiliman ang mga natural na epekto sa taong ayaw ng mga ito?

Sa paniniwala ng mga atheists, taliwas ang mapagmahal na Diyos sa isang relihiyon na nananakot lamang ng mga naniniwala sa Kanya. Ngunit, hindi naka-base sa takot ang Kristiyanismo. Ang tunay na mapagmahal na mga magulang, sasabihin sa atin ang panganib ng hindi pagtawid sa tamang tawiran, sa hindi pagsunod sa COVID protocols, at iba pa, sapagkat ayaw nila tayong mapahamak. Ganito rin ang Diyos, at higit pa. Inihahayag Niya sa atin ang katotohanan sa impiyerno dahil sa Kanyang pag-ibig para sa atin. Siya ay Mahabagin na kahit sinasaktan natin si Hesus dahil sa ating mga kasalanan, inialay Niya pa rin ang Kanyang sarili sa Krus para sa ating kaligtasan.

Kasama sa pagrespeto ng Diyos sa ating dignidad ay hindi Niya pupuwersahin tayo na mahalin Siya. Ito’y sa kadahilanan na ang tunay na pag-ibig ay makikita lamang sa taong may kalayaan at ibinigay ng Diyos sa atin ang kalayaang ito nang buong-buo. Ito ay ang kalayaang piliin Siya o itanggi Siya subalit marami Siyang ginagawang paraan upang makilala natin Siya. Kumikilos ang Diyos, lagi Siyang kumakatok sa puso ng lahat subalit ang tao pa rin ang tumatanggi sa Kanya sa kabila ng lahat. Kung masakit ang itanggi, ipagpalit at itakwil para sa atin, ano pa kaya ang nararamdaman ng Diyos para sa taong pinag-alayan Niya ng buhay? Sila mismo ang pumipili ng kanilang kapalaran kahit na ibinigay na ng Diyos ang lahat. Gayong maaari naman tayong mapunta sa langit kasama Niya. Maniwala lamang tayo at magsikap sa pananalig. Nawa’y ipagdasal natin ang pagbabago natin at sana ay makita natin ang pagmamahal ng Diyos sa ating mga buhay. Amen +

References:

[1] Diary – Divine Mercy in My Soul, 1698 http://www.seraphim.my/divinemercy/diary/text/DiaryVI.htm

[2] Ang Katekismo ng Simbahang Katolika patungkol sa Impyerno: http://www.scborromeo.org/ccc/p123a12.htm#1033

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Homo Sexuality Marriage Samesex marriage

Same-sex Marriage and Homosexuality.

    By Coco Apologist What is Homosexuality? According to the (Catechism of the Catholic Church 2357), “Homosexuality refers to