Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

Simbang Gabi VS Regular Sunday and Holyday of Obligations: Which is MORE Important?

Image: baclaranphenomenon.files

Simbang Gabi VS Regular Sunday and Holyday of Obligations: Which is MORE Important?

Merry Christmas………… at Simbang Gabi nanaman…….

Nagsisimula nanaman ang mga pormahang Gangster na nagsisimba sa Tabi ng simbahan, joke lang po. 

Ano nga ba ang Simbang Gabi?

Ang Simbang Gabi ay usually ito ay Misa na isinasagawa tuwing Gabi (Madalas 8pm) and Madaling araw naman around 3am, 4am, 5am, ito ay 9 days na misa at magsisimula ito tuwing December 16 until December 24.

Ano naman ang Regular Sunday Mass?

Ang Regular Sunday Mass ay ito ay araw kung saan tayong mga Katoliko sa buong mundo ay Obligadong Magsimba.  

Ano naman ang Holyday of Obligations?

Ito naman ay IBA sa Regular Sunday Mass, ang Holyday of Obligations ay nakadipende kung saan kang bansa nakatira, example: sa Pilipinas mayroong Tatlong Holyday of Obligation na OBLIGADONG Magsimba ang bawat Katoliko, ito ay ang mga sumusunod:

December 8 (Solemnity of the Immaculate Conception)

– December 25 Nativity of our Lord Jesus (Christmas Day)

– January 1 (Mary Mother of God)

Ngayon ang tanong Which is more important? 

Dapat nating I consider ang mga nasabi ko sa itaas sa kanilang tatlo, dalawa dun ang binanggit kong Obligasyon, ang Sunday Mass and Holyday of Obligation.

Ang Simbang gabi ay Importante rin dahil ito ay Misa, ito ay debosyon rin, ngunit hindi mo ito pwedeng ipalit sa Regular Sunday Mass at Holyday of Obligation, sa totoo lang KAHIT HINDI KANA MAKAPAGSIMBANG GABI, HUWAG KALANG MAGLIBAN sa Sunday Mass at Holyday of Obligation, WALA NG PROBLEMA dun.

Tandaan po natin na ang Simbang Gabi ay hindi iyan Universal hindi lahat ng Katolikong Simbahan sa buong mundo mayroon nyan, yung iba nga hindi alam yan kahit Katoliko sila dahil again hindi iyan isang Obligasyon, and again hindi ko sinasabing mali umattend niyan, pero magiging mali yan kapag nagsisimba kalang pag simbang gabi pero hindi ka nagsisimba kada linggo at kada holyday of Obligations. And take note, ang biyaya ng Diyos ay hindi nakasalalay pag nakumpleto mo ang 9 days na simbang gabi.

Sabi nga ni Fr. Jeffrey Quintela, Chief Exorcist of the Diocese of Antipolo 

Pag nabuo mo ang Simbang Gabi, matutupad ang “wish” mo! HINDI TOTOO YAN!

Ang totoo, sa bawat pagsisimba, meron nang biyaya. Hindi madamot ang Diyos. Hindi sya ganon na magbibigay lang pag may kundisyon. Kahit wala naman tayong dapat iuwi mula sa pagsisimba dahil ang mahalaga ay ang ating pagsamba at pagbibigay ng sarili sa Diyos, Siya pa din ang unang nagkakaloob ng mga biyayang ating kinakailangan.
Again hindi mali ang magsimbang gabi, ngunit tatandaan na ANG SUNDAY MASS AT HOLYDAY OF OBLIGATION ANG DAPAT PO NATING PRIORITY. 
~ Admin Coco, the Apologist

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?