Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Lingkod ng Diyos”

Setyembre 29, 2021. Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael.

UNANG PAGBASA
Daniel 7, 9-10. 13-14
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Habang ako’y nakatingin, may naglagay ng mga trono. Naupo sa isa sa mga ito ang isang nabubuhay magpakailanman. Kumikinang sa kaputian ang kanyang kasuotan at parang lantay na lana ang kanyang buhok. Ang trono niya’y nagniningning. Ang mga gulong nito ay apoy na nagliliyab. Waring agos ng tubig ang apoy na bumubuga mula sa trono. Ang naglilingkod sa kanya’y isang milyon bukod pa sa milyon-milyong nakaantabay. Humanda na siya sa paggagawad ng hatol at binuksan ang aklat.

Patuloy ang aking pangitain. Ang nakita ko naman ay isang tila taong nakasakay sa ulap. Bumaba ito at lumapit sa nabubuhay magpakailanman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian. Siya ay paglilingkuran ng lahat ng tao, bansa at wika. Ang pamamahala niya ay di matatapos, at di babawiin, at hindi mawawasak ang kanyang kaharian.
Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Pahayag 12, 7-12a
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ng kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon – ang matandang ahas na ang pangala’y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.

At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghihinayang sa kanilang buhay. Kaya’t magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan!”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5
Poon, kita’y pupurihin
sa harap ng mga anghel.

MABUTING BALITA
Juan 1, 47-51
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus si Natanael, ay kanyang sinabi, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi mandaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “Nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!”

At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po nina San Miguel, San Rafael at San Gabriel, mga arkanghel! Ang mga anghel ay mga tagapaglingkod ng Diyos at may mga iba’t ibang uri o klase ng mga anghel. Ang iba ay inatasan ng Diyos na maglingkod at magprotekta sa tao. Kaya naman ang mga anghel ay itinuturing mga Katoliko na mga gabay. Mga mag-aakay sa atin sa ating landas patungo sa Diyos. Mga tumutulong upang magawa natin ang kalooban ng Diyos, magpprotekta sa atin laban sa masama at kasalanan.

Kung tayo ay mananalangin at maniniwala sa Diyos. Tumutulong Siya sa atin at isa sa mga konkretong tanda ng Kanyang paglingap sa atin ay ang Kanyang mga anghel. Ang mga arkanghel naman na pinangalanang Miguel, Rafael at Gabriel ay ginugunita sa Simbahan bilang may mga espesyal na ginagampanang tungkulin sa ating simbahan. Tandaan na tatlo lamang sila na may pangalan. Kahit pito ang nakasaad na nasa may trono ng Diyos ay tatlo lamang ang may pangalan ayon sa Bibliya at hindi natin maaring pangalanan ang iba. Magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang may walang hanggang pag-ibig para sa ating lahat.

Mamuhay tayo dito sa lupa nang may presensiya ng anghel. Kahit hindi natin sila nakikita. Nakikita nila tayo at naghihintay na gustuhing gumawa ng mabuti, magsalita ng mabuti at mag-isip ng mabuti. Tutulungan nila tayo sapagkat sila ang mga tapag-lingkod ng Diyos na dapat din nating tularan.
Sapagkat wala silang ginawa kung hindi sumunod sa Diyos at gawin ang Kanyang kalooban. Habang tayo’y abala masyado sa mundo. Tulungan nawa tayo ng mga arkanghel at mga anghel na ituon ang pansin sa Diyos at Siya rin ay paglingkuran nang buo. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?