Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Dalamhati ni Maria”

 

 

 

 

Setyembre 15, 2021. Paggunita sa Mahal na
Birheng Maria na Nagdadalamhati.

Memorial of Our Lady of Sorrows (White).

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 3, 14-16
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, malaki ang pag-asa kong magkikita tayo sa lalong madaling panahon. Gayunma’y sinulat ko rin ang mga tagubiling ito upang hindi man ako makarating agad ay malaman mo rin ang dapat ugaliin sa sambahayan ng buhay na Diyos, sa simbahan na siyang haligi at saligan ng katotohonan. Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon:
Siya’y nahayag nang maging tao,
at pinatotohanan ng Espiritu,
nakita ng mga anghel.
Ipinangaral sa sanlibutan,
pinaniwalaan ng lahat,
at sa langit ay tinanggap.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6
Gawa’y napakadakila
ng Panginoong Lumikha.
o kaya: Aleluya.

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan po ng Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati! Kailangang tularan natin si Maria na hindi umalis sa tabi ni Jesus mula noon hanggang ngayon. Ang kanyang pagiging matapat sa Diyos ay kahit hanggang Krus. Tayo kaya, kumusta ang ating katapatan sa pinagdaraanang pagsubok? Naroroon pa ba? Si Maria ang ating modelo. Dinala niya sa kanyang puso ang mga pasakit ni Jesus kaya ito ay nagkaroon ng pitong tarak. Pitong pighati sapagkat ang Panginoon ang dahilan kung bakit siya nabubuhay. Humingi tayo ng tulong sa kanya na ating ina upang mabuhat din ang ating sariling krus. Papalakasin niya tayo at ihihingi ng lahat ng grasya na ating kailangang mula sa Diyos upang malampasan ang ating pinagdaraanan ngayon. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?