Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Diyos na Naghihilom”

 

Nobyembre 29, 2021. Lunes ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Monday of the First Week of Advent (Violet).

UNANG PAGBASA
Isaias 2, 1-5
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem:
Sa mga huling araw,
ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon
Ay mamumukod sa taas sa lahat ng bundok.
Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito:
“Halikayo, umahon tayo sa bundok ng Panginoon, sa Templo ng Diyos ni Jacob,
upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.
Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ng Panginoon.”
Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan.

Kung magkagayon, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak,
at karit ang kanilang mga sibat.
Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan.
Halina kayo, sambahayan ni Jacob, at tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 121, 1-2. 3-4a. (4b-5. 6-7.) 8-9
Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

MABUTING BALITA
Mateo 8, 5-11
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, pagpasok ni Hesus sa Capernaum, lumapit ang isang kapitang Romano at nakiusap sa kanya: “Ginoo, ang alipin ko po’y naparalisis. Siya’y nararatay sa amin at lubhang nahihirapan.” “Paroroon ako at pagagalingin siya,” sabi ni Hesus. Ngunit sumagot sa kanya ang kapitan, “Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin po lamang ninyo at gagaling na ang aking alipin. Ako’y nasa ilalim ng mga nakatataas na pinuno, at ako naman ay may nasasakupang mga kawal. Kung sabihin ko sa isa, ‘Humayo ka!’ siya’y humahayo; at sa iba, ‘Halika!’ siya’y lumalapit; at sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ at ginagawa niya.”

Namangha si Hesus nang marinig ito, at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, “Sinasabi ko sa inyo, na hindi ako nakatagpo kahit sa Israel ng ganito kalaking pananalig. Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Lunes po sa ating lahat! Sino ang karapatdapat sa langit? Iyon bang may mga matataas ng posisyon? Iyon bang mga nagwagi sa patimpalak? Iyon bang mga pinakamagaganda at gwapo sa paghuhusga ng mundo? Iyon bang mga sikat? Ngunit wala ni isa man sa mga ito ang basehan sa paghuhusga sa atin ng Diyos para tayo’y makarating sa Kanyang kaharian. Huhusgahan Niya tayo base sa ating pananampalataya na nagbunga. Sa pananampalatayang nagdulot na panatilihin ang pag-ibig natin sa Diyos hanggang huli. Oo, pananampalatayang hindi aandap-andap. Kung hindi isang paniniwalang matibay at buo sa Diyos. Ang kapitang Romano na ito ay karapatdapat sa langit hindi dahil sa kanyang posisyon, hindi dahil sa kanyang pangalan at hindi rin dahil marami siyang tauhan sa mundo. Subalit ito’y dahil siya ay nanalig kay Jesus nang buo at kinilala ang Kanyang kapangyarihan bilang Diyos na nasusunod sa lahat. Naniwala siyang ang Salita ni Jesus ay payak at kapag ginusto Niya ay mangyayari ito sapagkat Siya ay Panginoon ng lahat.

Minsan ba, naniwala tayo sa Diyos nang may ganitong klaseng kumpiyansa? Tayo ang mga pinili ng Diyos na maging anak Niya subalit minsan o madalas, tayo pa ang nauunang manisi, mainis o magalit sa Diyos. Lalung lalo na kapag hindi natin nakukuha ang ating gusto.

Bakit hindi natin hilingin sa Diyos na dagdagan pa ang ating pananampalataya? Manalangin tayong gawin Niya tayong matatag at pagtibayin Niya nawa ang ating pananalig sa Kanya. Kailangan natin ito lalo sa buhay ngayon kung saan napakaraming pagsubok ang dumarating. Ang buhay ngayon ay pinahirap pa lalo ng pandemya. Patung-patong na ang iniintindi sa buhay at mas kailangan nating maniwala sa Diyos hindi ang kabaliktaran na lumayo sa Kanya. Maraming may sakit. Subalit mas higit na mas matindi ang sakit ng kaluluwa kaysa sa katawan na tanging si Cristo lamang ang makakapagpagaling. Kaya naman hilingin nating dumating sa atin si Jesus at ang Kanyang Kaharian. Nang tayo’y Kanyang kaawaan at hilumin sa mga sugat at sakit ng ating mga puso, katawan at kaluluwa. Amen. +

O Jesus, Hari ng Awa, kami po ay hipuin at hilumin Mo. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?