Bible Catholic Church Catholic Faith Christian Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Malagpasan ang Pagsubok kasama ni Jesus”

Enero 8, 2020. Miyerkules Kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon.

UNANG PAGBASA
1 Juan 4, 11-18
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, yamang gayun kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan. Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig.

Nalalaman nating nananatili tayo sa Diyos at siya naman sa atin, sapagkat pinagkalooban niya tayo ng kanyang Espiritu. Nakita namin at pinatototohanang sinugo ng Ama ang kanyang Anak bilang Tagapagligtas ng sanlibutan. Ang nagpapahayag na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos nama’y nananatili sa kanya. Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at nananatili naman sa kanya ang Diyos. Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom, sapagkat tayo’y tulad ni Kristo, kahit nasa daigdig pang ito. Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.

Ang Salita ng Diyos.
Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 71, 2. 10-11. 12-13
Tugon: Poon, maglilingkod sa ’yo, tanang bansa nitong mundo.

MABUTING BALITA
Marcos 6, 45-52
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos
Papuri sa iyo Panginoon.

Matapos mapakain ang limang libong lalaki, agad pinasakay ni Hesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa Betsaida, sa kabilang ibayo ng lawa, samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis nila, siya’y umahon sa burol upang manalangin. Sumapit ang gabi. Nasa laot na noon ang bangka, samatalang si Hesus ay nag-iisa sa pampang. Nakita niyang nahihirapan sa pagsagwan ang kanyang mga alagad, sapagkat pasalungat sila sa hangin. At nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan niya sana sila, ngunit nakita ng mga alagad na siya’y lumalakad sa ibabaw ng tubig, kaya’t napasigaw sila. Ang akala nila’y multo, at kinilabutan silang lahat. Ngunit agad niyang sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, si Hesus ito! Lakasan ninyo ang inyong loob!” Sumakay siya sa bangka, at tumigil ang hangin. Sila’y lubhang nanggilalas, sapagkat hindi nila naunawaan ang nangyari sa tinapay; hindi pa ito abot ng kanilang isip.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pinupuri ka namin Panginoong Jesu Cristo.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Nasa huling linggo pa rin po tayo ng “Christmas Season” sa kalendaryo ng ating Simbahan. Sa linggong ito, matapos ang pagpapakita ng Panginoon ay patuloy na rin natin kinikilala ang Mesiyas.

Kahapon nga po ay tampok sa ating Ebanghelyo ang pagpapakain ng limang libong tao sa ilang. Ngayon naman ay isa na namang nakamamanghang pangyayari ang ginawa ni Jesus. Naglakad Siya sa ibabaw ng tubig. Dahil dito ay natakot ang mga alagad dahil akala nila multo. Hindi rin nila naunawaan pa ang nangyari sa tinapay. Araw-araw ay nakakasama nila si Jesus na tila ordinaryong tao lamang din. Nakikita nila sa anyo ng tao. Nakakasalamuha. Maaring hawakan at maari ring kausapin. Subalit ganito man, tunay ding Diyos si Cristo.

Gaya ng aking sinabi sa pagninilay kahapon ay kaya Niyang gawin ang kahit anong kanyang naisin. Ang Diyos ay nasa ibabaw ng lahat ng batas. Oo nga’t alam natin ang Kanyang Banal na Ngalan. Marahil ay alam din natin ang mga nangyari sa Ebanghelyo. Ngunit, ang kung papaano nangyari ang Ebanghelyo sa iyong buhay, nalalaman mo ba ito? Napagninilayan mo ba kung paano gumalaw si Jesus sa iyong buhay? Iba yung alam lang sa nararanasan at isinasagawa. Si Jesus ay Diyos at kaya Niyang gawin ang kahit ano. Itanim natin sa isip natin ang Kanyang pagkaDiyos at kung ano ang Kanyang paraan, hindi ng tao.

Sapagkat ginawa Niya ang batas para sa tao para tayo ay magkaroon ng kaayusan at mapunta sa mabuti. Siya ay nasa ibabaw ng batas bilang Siya ay Diyos. Ang natural na batas ng kalikasan ay hindi tayo nakakalakad sa ibabaw ng tubig. Ang nangyayari sa tao kapag lumusong sa tubig ay natural na lulubog. Ganito ang paraan ng tao. Ibang iba sa paraan ng Panginoon. Ang Panginoon bagamat anyong tao ay Diyos ding totoo, kaya kung naisin niyang lumakad sa ibabaw ng tubig ay magagawa niya. Kaya naman sa dagat ng problema dito sa mundo, kung naniniwala tayo sa Panginoon at lubusang kumakapit sa Kanya, tayo rin ay maiaangat niya sa mga mararahas na agos ng tubig at alon ng buhay. Balikan mo ang mga ginawa ng Panginoon sa iyong buhay. Paano mo nalagpasan ang mga matitinding pagsubok sa buhay? Hindi mo pa ba nauunawaan kung anong ginawa ng Diyos para sa iyo at sa iyo? Pagnilayan mo itong maigi nang mas makilala mo ang Panginoon. Nawa ay magtiwala pa tayo sa Kanya nang hindi na kailangang mag-isip pa ng kahit anong rason at walang duda. Kung hindi, buong pananampalataya sa Kanya. Amen. +

Pagnilayan natin ito at hingiin ang tulong ni Maria, ng mga anghel at mga banal. Amen. +

Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at mapagkailanman. Amen. +

?Gospel Reflections : Francesca Ana Maria Margarita D.J.

?Gospel Text ?: Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?