Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA ARAW-ARAW: “Pagpapaubaya sa Diyos”

 

 

 

 

Enero 14, 2021. Huwebes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon.

UNANG PAGBASA
Hebreo 3, 7-14
Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, gaya ng sabi ng Espiritu Santo,
“Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng Diyos,
Huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad noong maghimagsik kayo at subukin siya sa ilang.
‘Doo’y tinukso ako at sinubok ng inyong mga magulang,’ sabi ng Diyos,
‘Gayong nakita nila ang mga ginawa ko sa loob ng apatnapung taon.

Kaya’t kinapootan ko ang lahing iyon,
At sinabi ko, Lagi silang nagpapakaligaw,
Hindi na nila natutuhan ang aking mga daan.
Kaya’t sa galit ko’y aking isinumpang
Hinding-hindi sila makapapasok at makapamamahinga sa piling ko.’”
Mga kapatid, ingatan ninyong huwag sumama ang sinuman sa inyo at mawalan ng pananampalataya hanggang sa talikdan ang Diyos na buhay. Sa halip, magpaalalahanan kayo araw-araw, habang may panahon pa, upang ang sinuman sa inyo’y di madaya at maging alipin ng kasalanan. Sapagkat tayong lahat ay kasama ni Kristo, kung mananatili tayong matatag hanggang wakas sa ating pananalig sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 94, 6-7. 8-9. 10-11
Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

MABUTING BALITA
Marcos 1, 40-45
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Hesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Hesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Huwebes po sa ating lahat! Ibig ng Diyos na lahat tayo ay gumaling. Ang karamdaman ay hindi lamang pampisikal subalit mayroon ding pang espiritwal. Ang tanong ay kung tayo ba ay nagmamakaawa sa Diyos nang may pananampalataya? O baka nawawalan na tayo ng pasensiya at pag-asa? Kaya ng Panginoon gawin ang lahat at nakikita Niya ang ating paghihirap. Subalit tayo ang dapat na lumapit sa Kanya. Lagi lamang Siyang naghihintay sa atin subalit tayo ba ay handang pagkatiwalaan Siya nang buo?

Handa ba tayong magsabi na “kung gusto po ninyo”? Handa ba tayo na ipagpasaDiyos nang buong buo ang kahinatnan ng ating panalangin? Saan ba tayo umaasa kung hindi sa Diyos? Naghihirap at nagdurusa tayo dahil sa kawalan ng tiwala at pasensiya sa Panginoon. Dito tayo napapadapa kapag pinipilit nating kontrolin ang mga bagay-bagay. Ang mahalagang matutunan natin mula sa ketongin na gumaling ay ang bumitaw at hayaan ang Diyos kumilos sa ating buhay. Anuman ang ating dinadaing, masosolusyunan dahil walang imposible sa Diyos.

Mahal Niya tayo higit pa sa ating kaaalaman at wala Siyang ibang gusto kung hindi ang pinakamainam para sa atin. Kung may hindi man magandang nangyayari sa atin at sa mundo, ito ay dulot ng masama at hindi ng Diyos. Kaya mas lalo nating kailangan si Jesus. Mas lalo nating kailangang lumapit, magkaawa at manalangin sa Kanya. Tiyak makakatagpo tayo ng kaginhawaan at kagalingan, gaya ng ketonging Kanyang pinagaling. Amen. +

Pagnilayan natin po natin ito. Amen. +
Pagpalain po kayo ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos ngayon at magpakailanman. Amen. +

Reflections By: Frances Mary Margaret DJ

Readings Source: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?