Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagkapit sa Katotohanan

Abril 20, 2024. Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 6, 60-69
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, marami sa mga alagad ni Hesus ang nagsabi, “Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?” Alam ni Hesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, “Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay.

Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin.” Sapagkat talastas ni Hesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya. Idinugtong pa niya, “Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama.”

Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Hesus ang Labindalawa, “Ibig din ba ninyong umalis?” Sumagot si Simon Pedro, “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Naghinala ang mga alagad dahil sa sinasabi ni Hesus tungkol sa Banal na Eukaristiya. Akala nila, sila ay kakain ng tao. Ang totoo, bandang huli pa lamang nila malalaman na si Hesus ay mag-aanyong tinapay at alak na ating tinatanggap hanggang ngayon sa Banal na Komunyon. Hindi literal na kailangang kainin ang dugo at laman Niya bilang tao. Natural namang magtaka sila at mag-isip kung ano ang ibig sabihin ni Hesus lalo kung hindi nila ito maiintindihan. Subalit hindi pagtalikod ang solusyon dito. Hindi pag-alis ang tamang gawin dito.

Marami sa atin, kapag may hindi gusto at hindi naunawaan sa simbahan, ay umaalis na lang din agad. Kapag may hindi sila nakuha mula sa Diyos, kaagad na nagtatampo at umaalis sa simbahan. Hindi man lamang nagtatanong o nanghihingi ng sagot sa Diyos. Kung sila’y taimtim na mananalangin at hihingi ng sagot sa Diyos na may kababaang-loob, makatatanggap sila sana ng sapat na sagot at daragdagan ang kanilang karungan ng Diyos.
Ang pag-alis ng tao ay lubos na nakakasakit sa damdamin ng Panginoon. Hindi ba’t kung mayroon tayong minamahal, kahit kapwa tao iyan, gusto nating maayos ang hindi pagkakaunawaan? Bakit kung sa Diyos at may hindi tayo maunawaan, ang tao’y nang-iiwan agad?

Higit sa lahat ng tao, Diyos ang pinakaimportanteng relasyon natin. Sa Kanya tayo galing at sa Kanya rin tayo babalik sa dulo ng ating buhay. Tumakas at umalis man ang mga taong ito gaya ng ginawa ng mga dating taga-sunod ni Hesus na iniwan Siya noong mga panahong iyon, hindi nila matatakasan ang katotohanan at ang buhay na walang hanggan. Gaya ng sabi ni Pedro, na kay Hesus ng buhay na walang hanggan. Sabihin natin sa Kanya ang lahat ng ating hinanaig at sasagutin Niya ang lahat. Nakikinig sa atin ang Diyos.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?