Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF Uncategorized

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Kaisa ng Banal na Eukaristiya”

 

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Kaisa ng Banal na Eukaristiya”

Abril 19, 2024. Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 6, 52-59
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nagtalu-talo ang mga Judio. “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang kanin natin?” tanong nila. Kaya’t sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo, tunay na inumin.

Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya. Buhay ang Amang nagsugo sa akin, at ako’y nabubuhay dahil sa kanya. Gayun din naman, ang sinumang kumain sa akin ay mabubuhay dahil sa akin. Ito ang pagkaing bumaba mula sa langit; ang kumakain nito’y mabubuhay magpakailanman. Hindi ito katulad ng kinain ng inyong mga magulang sa ilang; namatay sila bagamat kumain niyon.” Sinabi ito ni Hesus nang siya’y nagtuturo sa sinagoga sa Capernaum.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Biyernes po sa ating lahat! Nagtataka ang mga Judio sa sinabi ni Hesus. Hindi sila makapaniwala dahil ang ginamit nila ay ang sariling pag-iisip. Ito ay tungkol sa Banal na Eukaristiya. Ang Banal na Katawan at Dugo ni Hesus ay matatanggap sa Eukaristiya o Banal na Misa. Marahil marami rin sa atin ang sinusubukang ipaliwanag o gustong makahingi ng paliwanag tungkol dito ngunit ang kailangan natin ay pananalig sa Diyos.

Si Hesus ang totoong Pagkaing Nabibigay-buhay na bumaba mula sa Langit. Siya ay ating espirituwal na pagkain. Hindi man natin literal na makita ang epekto nito sa ating katawan gaya ng ibang pagkain, makikita naman natin ito sa epekto sa ating kaluluwa. Ang Banal na Eukaristiya ay pakikiisa sa Diyos. Tayo’y mas nagiging tulad Niya kung bubuksan natin ang ating sarili sa tunay Niyang presensiya at sa pagtanggap na tayo’y tahanan ng Diyos. Mas mahirap magkasala kung alam nating Diyos ay nanahan sa atin at tayo ang Tabernakulo Niya.

Kung naiintindihan natin ito, magiging inspirasyon natin ito upang laging magsisi at talikdan ang kasalanan bilang daan sa pagiging banal. Makikita ang epekto ng pagkain natin ng Tinapay ng Buhay sa pamamagitan ng pagpapasensiya, pagpapatawad, pagmamalasakit at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Uncategorized

Vanguards of Truth

To explain and defend against the malicious accusations from the enemies of the Church and to help nominal Catholics and