Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tanda ng Pag-ibig”

Abril 16, 2024. Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 6, 30-35
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ng mga tao kay Hesus:
“Ano pong kababalaghan ang maipapakita ninyo upang manalig kami sa inyo? Ano po ang gagawin ninyo?” tanong nila. “Ang aming mga magulang ay kumain ng manna sa ilang, ayon sa nasusulat, ‘Sila’y binigyan niya ng pagkaing mula sa langit,’” dugtong pa nila. Sumagot si Hesus, “Dapat ninyong malamang hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng pagkaing mula sa langit, kundi ang aking Ama.

Siya ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit. Sapagkat ang pagkaing bigay ng Diyos ay yaong bumaba mula sa langit at nagbibigay-buhay sa sanlibutan.” “Ginoo,” wika nila, “bigyan po ninyo kaming lagi ng pagkaing iyon.” “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay,” sabi ni Hesus. “Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Martes po sa ating lahat! Ang mga tao ay naghahanap ng himala o palatandaan. Ito lang marahil ang alam nilang paraan upang makilala ang Diyos. May mga taong ganito hanggang ngayon na gusto ng kakaibang bagay bago maniwala sa Diyos. Hindi sapat sa kanila ang katotohanan subalit iyon lang ang ating kailangan upang maniwala, hindi ang sariling batayan upang maniwala. Ano ba ang katotohanan?

Na ang Diyos ay nagkatawang-Tao at Siya’y namatay para sa atin. Dahil sa pagkamatay at muling pagkabuhay na ito, naitatag ang Simbahan. Sa Simbahan, tinatanggap natin ang Kanyang Banal na Katawan at Dugo sa Eukaristiya. Ito ang nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan, si Hesus mismo na ating naging pagkain at inumin.

Kung paanong ang mga unang magulang natin ay nagkasala dahil sa kanilang pagsuway sa pagkain ng ipinagbabawal, sa ganoon ding paraan tayo iniligtas ng Diyos. Lahat ng ito’y dahil sa pag-ibig. Kaya tuwing tayo’y napanghihinaan ng loob, kailangan nating pagnilayan ang Krus. Kailangan nating aalahanin ang pagkamatay ni Hesus sa Krus para sa atin, dahil sa pag-ibig, upang tayo’y magkaroon ng tiwala at lakas na harapin ang anumang pagsubok sa buhay. Ito ang tanda na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Ang Krus lamang ang tanda na tanging dapat nating hanapin. Ang buhay na inialay ni Hesus ay sobra pa sa sapat para sa atin upang tayo’y maniwala at maligtas.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

2Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?