Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pagkaing Nagbibigay-Buhay”

 

Abril 17, 2024. Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

MABUTING BALITA
Juan 6, 35-40
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.

“Ngunit sinabi ko na sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma’y hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Miyerkules po sa ating lahat! Ang pagparito ni Hesus ay pagsunod sa kalooban ng Ama. Mula pa noong una, plano ng Diyos na iligtas tayo mula sa pagkakasadlak sa kasalanan. Ang pagliligtas na ito ay sa pamamagitan ng paghahain ng Kanyang sarili bilang ating pagkain at inumin.
Tayo rin na nais makapunta sa Langit at makabalik sa Ama ay dapat na sumunod sa Kanya. Malalaman natin ang kalooban ng Ama sa palagiang pagdarasal upang humingi ng gabay, sa pagbabasa ng ebanghelyo at pagninilay sa Kanyang Salita sa sariling oras at sa Banal na Misa.

Higit sa lahat, sa Banal na Misa ay tinatanggap natin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay. Siya ang Pagkaing Nagbibigay-Buhay. Kinakain natin ang Kanyang Banal na Katawan at Dugo dahil ito ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Si Hesus sa Banal na Eukaristiya ang ating pananggalang sa masasama.

Sa Banal na Komunyon, nagiging kaisa tayo ni Hesus dahil sa noo’y naputol na relasyon dahil sa pagkakasala. Ibinabalik tayo nito sa kung sino tayo – mga tunay na anak ng Diyos na gawa sa Kanyang mukha at wangis. Madali itong makalimutan kung wala ang Banal na Eukaristiya at puro bagay sa mundo na lang ang ating inaasikaso. Subalit ang Banal na Misa ay isang “praktis” paano mamuhay sa Langit. Doon ay makikita natin ang Diyos mukha sa mukha. Walang ibang pinakamainam na paghahanda sa kabilang buhay kundi ang Banal na Misa unang una, kada Linggo, bilang atin ding obligasyon.

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?