Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Tunay na Kagalingan”

 

 

 

Pebrero 5, 2022. Paggunita kay Santa Agata, dalaga at martir.

Subscribe to Awit at Papuri Communications Channel

Memorial of Saint Agatha, Virgin and Martyr (Red).
 
UNANG PAGBASA
1 Hari 3, 4-13
Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, pumunta si Solomon sa Gabaon upang maghandog, sapagkat iyon ang pangunaahing sambahan sa burol. Nag-alay na siya roon ng daan-daang handog na susunugin noong una. Kinagabihan, samantalang siya’y naroon pa sa Gabaon, napakita sa kanya ang Panginoon sa panaginip. “Ano ang ibig mong ibigay ko sa iyo? Sabihin mo!” wika sa kanya.

Sumagot si Solomon: “Kinahabagan ninyo at puspusang minahal ang aking amang si David na naging tapat sa inyo, matuwid at malinis ang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong pagkalinga sa kanya nang marapatin ninyong paluklukin sa kanyang trono ang isa niyang anak. Panginoon, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan. Pinapamuno mo ako sa iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan mong ito na napakalaki?”

Ikinalugod ng Panginoon ang hiling ni Solomon. Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo ang hiniling mo. Binibigyan kita ng karunungan na walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa mga susunod pa sa iyo. At bibigyan pa kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi: kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 9. 10. 11. 12. 13. 14
Ang lahat ng ‘yong tuntunin
ay ituro mo sa akin.
 
MABUTING BALITA
Marcos 6, 30-34
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik kay Hesus ang mga apostol at iniulat ang lahat ng kanilang naisagawa at naituro. Napakaraming taong dumarating at umaalis, anupat hindi na makuhang kumain ni Hesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito, “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis silang lulan ng bangka, at nagpunta nga sa isang ilang na dako.
Ngunit maraming nakakita sa kanilang pag-alis at nakilala sila. Kaya’t mula sa lahat ng bayan, ang mga tao’y patakbong tumungo sa dakong pupuntahan nina Hesus at nauna pang dumating doon kaysa kanila. Paglunsad ni Hesus, nakita niya ang napakaraming tao; nahabag siya sa kanila sapagkat para silang mga tupang walang pastol. At sila’y tinuruan niya ng maraming bagay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Paggunita po kay Santa Agata, isang birhen at martir! Sinusundan ng mga tao ang Panginoon kahit saan Siya magpunta. Ang Panginoon naman ay nahahabag sa kanila. Sapagkat alam Niyang may hinahanap-hanap ang mga tao na ito. Marahil sila’y uhaw at gutom at hindi lamang ito isang pisikal na pagkagutom at pagkauhaw. Ang mga tao ay uhaw sa karunungan, sa Diyos, sa pagpapala, awa at habag. Ang mga ito naman ang gustong gustong ibigay ng Diyos sa mga tao na ito at mapagsahanggang ngayon sa atin. Hinahanap ba natin Siya? Gusto ba natin Siyang sundan? Nananabik din ba tayo sa Diyos o sadyang nanigas na ang ating puso dahil sa mga nakitang kasamaan sa mundo?

Marahil ay napakaraming nangyayari sa mundo subalit ang Diyos ay nananatiling pareho at hindi nagbabago. Ang pag-ibig Niya ay handa pa ring ibigay at ibuhos sa ating lahat na mga uhaw at gutom sa Kanya. Napakarami nating hangad ngayong panahon na ito. Gusto natin ng kagalingan subalit tila ito’y mailap. Gusto natin ng kapayapaan subalit parang mas nagkakagulo. Maraming nangyayari sa ating paligid subalit ang mahalaga ay tingnan natin kung sino ang ating sinusundan. Si Jesus ba ang ating tinitingnan at sinusundan? Nagninilay ba tayo sa Kanyang salita upang makatanggap tayo ng inspirasyon mula sa Kanyang karunungan? O baka naman kaya tayo’y hindi mapalagay ay baka dahil nalilimutan na nating magdasal at sumangguni sa Kanya.

Hindi tayo nag-iisa sa buhay na ito. Lumapit tayo sa Diyos sa anumang paraang kaya natin. Magpunta tayo sa Simbahan, magdasal tayo, dumalo sa Misa at magkumpisal. Doon tayo makakatagpo ng ating hinahanap na tunay na kapayapaan at kagalingan hindi lamang ng katawan kung hindi ng ating mga puso, isip at kaluluwang nababagabag. Amen. +  

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?