Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

LlANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Pundasyon ay Diyos”

 

 

 

 

 

 

Setyembre 11, 2021. Sabado ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 1, 15-17
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, narito ang isang katotohanang dapat tanggapi’t paniwalaan ng lahat: si Kristo Hesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan. At ako ang pinakamasama sa lahat. Ngunit kinahabagan ako ng Diyos upang sa nangyari sa akin ipakita ni Kristo Hesus kung gaano siya katiyaga, at maging halimbawa ito sa mga mananalig sa kanya at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Purihin at dakilain magpakailanman ang iisang Diyos, Haring walang hanggan, walang kamatayan, at di nakikita! Amen.
Ang Salitang Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7
Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.
o kaya: Aleluya.

MABUTING BALITA
Lucas 6, 43-49
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahoy sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakapipitas ng igos sa puno ng aroma, at di rin nakapipitas ng ubas sa puno ng dawag.

Ang mabuting tao ay nakapagdudulot ng mabuti sapagkat tigib ng kabutihan ang kanyang puso; ang masamang tao ay nakapagdudulot ng masama, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. Sapagkat kung ano ang bukambibig siyang laman ng dibdib.
“Tinatawag ninyo akong ‘Panginoon, Panginoon,’ ngunit hindi naman ninyo ginagawa ang sinasabi ko. Ipakikilala ko sa inyo kung kanino natutulad ang bawat lumalapit sa akin, nakikinig ng aking mga salita, at nagsasagawa ng mga ito.

Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at sa pundasyong bato nagtayo ng bahay. Bumaha, at ang tubig ay bumugso sa bahay na iyon, ngunit hindi natinag, sapagkat matatag ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig ng aking mga salita at hindi nagsasagawa nito ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang pundasyon. Bumaha, nadaanan ng tubig ang bahay na iyon at pagdaka’y bumagsak. Lubusang nawasak ang bahay na iyon!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang sabado po sa ating lahat! Darating ang mga pagsubok sa ating buhay. Ito ang nagpapalakas sa ating pananampalataya at dito tayo natututo kung kumakapit tayo sa Diyos sa gitna ng lahat ng ito. Ang panalangin ang parang lubid na kakapitan natin at nagdudugtong sa atin sa Panginoon. Siya ang pundasyon ng buhay natin na hindi guguho. Sapagkat kung sa sarili, sa ibang tao at sa iba pang materyal na bagay lamang tayo kakapit, madaling mawawala ang mga ito. Ang mga tao ay naglalaho. Ang mga materyal na bagay ay nauubos, nanakaw at naiiwan.

Mahalagang makita natin ang Diyos na nagbibigay sa atin ng lahat ng bagay. Sa Kanya lamang tayo umasa, lalo kapag unti-unti na tila bang nawawala na ang lahat sa atin. Sa Kanya tayo magtiwala at kumapit kung hindi na natin alam ang nangyayari sa ating buhay. Sa Kanya tayo magiging ligtas at magkakaroon ng kapayapaan. Magpursigi tayo sa pananalangin at malalagpasan natin ang lahat ng pagsubok sa ating buhay. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?