Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF Uncategorized

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Mithiin sa Buhay”

 

 

 

Oktubre 19, 2021. Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf
at San Isaac Jogues, mga pari, at mga kasama, mga martir
o kaya San Pablo de la Cruz, pari.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

UNANG PAGBASA
Roma 5, 12. 15b. 17-19. 20b-21
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.
Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo. Sa pamamagitan ng isang tao – si Adan – naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan. Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao – si Hesukristo – higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila’y maghahari sa buhay. Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon.

Kaya’t kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat. Sapagkat sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, gayun din naman, marami ang pawawalang-sala sa pagsunod ng isang tao.
Ngunit kung dumami man ang kasalanan, lalo namang sumagana ang kagandahang-loob ng Diyos. Kaya nga, kung paanong naghari ang kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan, gayun din naman maghahari ang kagandahan ng loob ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala upang kamtan ang buhay na walang hanggang sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 39, 7-8a. 8b-9. 10. 17
Handa akong naririto
upang sundin ang loob mo.

MABUTING BALITA
Lucas 12, 35-38
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Maging handa kayo at sindihan ang inyong mga ilawan. Tumulad kayo sa mga taong naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon mula sa kasalan, para pagdating niya ay mabuksan agad ang pinto. Mapalad ang mga alipin na abutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Sinasabi ko sa inyo, maghahanda siya, padudulugin sila sa hapag, at maglilingkod sa kanila. Mapapalad sila kung maratnan niya silang handa, dumating man siya ng hatinggabi o madaling-araw siya dumating.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan nina San Juan de Brebeuf, San Isaac Jogues at mga kasama, pati na rin ni San Pablo de la Cruz! Ang dulo ng ating buhay o ang muling pagdating ni Jesus ay hindi natin alam . Ano ang dapat gawin sa buhay? Para saan ba ang buhay natin? Nabubuhay ba tayo para lamang magsaya? At matapos gawin ang gusto natin mapupunta na agad tayo sa langit? Kung ganito ang ating paniniwala ay maling mali tayo. Namumuhay tayo upang magmahal. Nabuhay tayo at naging tao dahil sa pag-ibig at tayo rin ay dapat na umibig sa pamamagitan ng pagsisilbi sa Diyos at sa kapwa.
Magbigay ng pagkain sa mga mahihirap at nagugutom. Kahit sa isa. Kahit hindi sa marami. Ito ay napakalaking bagay. Kung naranasan ninyo paano magutom at paanong walang makain. Mararanasan ninyo gaano kahalaga ang maliit na tulong na ito na sinasabi ninyo.

Bakit pag-aaksayahan natin ng panahon at lakas ang mga bagay na hindi makakapagbigay ng buhay na walang hanggan? Kung iiwan naman natin itong lahat at ang ating magiging permanenteng tahanan ay langit lamang o impyerno. Hindi makakapasok sa langit agad agad ang sinumang hindi namuhay dito gaya ng mga santo. Kaya sila naging santo hindi dahil lamang sa mga milagro ngunit dahil pinili nilang daanan lahat ng hirap maglingkod lamang sa Diyos at sa kapwa. Nang walang hinihinging makamundong kapalit ni hangarin man. Tayo kaya, ano ang mga mithiin natin sa buhay? Nawa ay marinig natin ang tawag ng Diyos sa atin at makasunod sa Kanya. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Uncategorized

Vanguards of Truth

To explain and defend against the malicious accusations from the enemies of the Church and to help nominal Catholics and