Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Sa Piling ng Diyos”

Disyembre 10, 2021. Biyernes ng Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
o kaya Paggunita sa Mahal na Birhen ng Loreto.

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

Friday of the Second Week of Advent (Violet)
or Optional Memorial of Our Lady of Loreto (White).

UNANG PAGBASA
Isaias 48, 17-19

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Ganito ang sabi ng Banal ng Israel,
ng Panginoon mong sa iyo’y tumubos:
“Ako ang Panginoong iyong Diyos.
Tuturuan kita para ka umunlad,
papatnubayan kita saan ka man pumunta.
Kung sinusunod mo lang ang mga utos ko,
pagpapala sana’y dadaloy sa iyo,
parang ilog na di natutuyo ang agos.
Tagumpay mo sana ay sunud-sunod,
parang dating ng alon sa dalampasigan.
Ang lahi mo sana’y
magiging sindami ng buhangin sa dagat,
at tinitiyak kong
hindi sila mapapahamak.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Ang sumusunod sa Poon
ay sa liwanag hahantong.

MABUTING BALITA
Mateo 11, 16-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Sa ano ko nga ihahambing ang mga tao ngayon? Katulad sila ng mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro, ‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw! Nanambitan kami, ngunit hindi kayo tumangis!’ Sapagkat naparito si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at sinasabi nila, ‘Inaalihan siya ng demonyo!’ Naparito rin ang Anak ng Tao, na kumakain at umiinom, at sinasabi naman nila, ‘Masdan ninyo ang taong ito! Matakaw at naglalasing, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng kanyang mga gawa.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Paggunita sa Mahal na Birhen ng Loreto! Pinaniniwalaang nagkaroon ng himala at may mga pisikal na ebidensiya na nagpapatunay, na ang bahay ng Mahal na Birheng Maria sa Nazaret ay dinala ng mga anghel mula sa Israel patungo sa Italya. Ang lugar na ito sa Italya ay ang Loreto. Pinaniniwalaang ang bahay na ito ay dumating sa Loreto noong Ika-sampu ng Disyembre taong 1294. Maraming mga tao ang gusto ng himala para maniwala raw sila. Mayroon naman ng mga ito at binibigay ito ng Panginoon sa atin. Nariyan ang mga ebidensiya na masusing sinusuri ng Simbahan at kahit nga mga eskperto sa siyensiya. Subalit kahit ganito na nga, may mga tao pa ring ayaw maniwala dito at kinamumuhian ang mga ganitong himala sa ating Simbahan. Hindi pa rin sila naniniwala at napako pa rin sila sa sariling isipan.

Ganito rin ang sinasabi ni Jesus sa Ebanghelyo. Sa Filipino, mayroon tayong kasabihang “Sala sa init, sala sa lamig”. Ginagamit ito para ilarawan ang isang taong napakahirap pasayahin. Walang kahit anong tama o mabuti sa kanya. Kasi kahit mainit, hindi niya gusto. Kapag malamig naman ay ayaw rin. Maihahalintulad sa ganito ang mga ugali ng tao noong dumating na ang dalawang pinakadakilang propeta sa Israel. Isa ay si Juan Bautista na naghanda ng daanan ng Panginoon at ang isa ay si Jesus na ating Diyos at Panginoon. Isa rin Siyang Propeta sapagkat ipinahahayag Niya ang Kanyang mensahe, ang pagdating ng kaharian ng Diyos.

Ngayon, maitatanong natin sa ating sarili ang mga ito: “Ano ba ang gusto ko mula sa Diyos?” “Ano ang hinahanap ko pa sa Kanya?” “Ano pa ang aking kailangan upang mas tumibay ang aking pananampalataya sa Kanya?”. Sinabi ng isang dakilang santo at pantas ng simbahan na si San Agustin ang mga katagang ito sa wikang Ingles “You have made us for Yourself, o Lord, and our hearts are restless until they rest in you.” Hindi talaga napapalagay o napapanatag ang ating kalooban at napakarami nating hinahanap kung saan-saan at kung anu-ano, hangga’t hindi natin natatagpuan at nakikilala ang Diyos sa kung sino talaga Siya.

Hindi tayo tunay na liligaya kahit saan kung hindi sa Kanya lamang piling at sa Kanyang pagpapala. Kaya ang ating tanong ay “ano ba ang hinahanap mo sa buhay?” “ano ang gusto mong marating sa dulo ng buhay na ito?. Mahalagang maitanong natin sa sarili natin nang hindi tayo mapabilang sa mga sinasabi ni Jesus na mga taong tila ba namanhid na ang mga puso at tila wala nang maramdaman. Dahil sa pagpapala at grasya ng Diyos ay malalaman at magagawa natin ito. Mangyayari na ang ating puso ay maging panatag nang tuluyan sa Diyos sa ating pagpupursigi sa pananalangin, pagtanggap ng Sakramento ng kumpisal at Banal na Misa, at mabubuting gawa. Sa mga ito natin Siya pinakamakikita at madarama. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +

Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications http://www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?