Bible Catholic Church Catholic Faith Daily Gospel on DCF

ANG MABUTING BALITA AT PAGNINILAY: “Gabay sa Buhay”

Oktubre 16, 2021. Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon

o kaya Paggunita kay Santa Eduvigis, namanata sa Diyos
o kaya Paggunita kay Santa Margarita Maria Alacoque, dalaga
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel.

UNANG PAGBASA
Roma 4, 13. 16-18
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila and sanlibutan, hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan kundi sa kanyang pananalig sa Diyos at sa gayo’y siya’y pinawalang-sala.
Kaya nga, ang pangako ay nababatay sa pananalig upang ito’y maging isang kaloob sa lahi ni Abraham — hindi lamang sa mga sumusunod sa Kautusan kundi sa lahat ng nananalig sa Diyos, tulad niya, yamang siya ang ama nating lahat. Ganito ang nasusulat: “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ay may bisa sa harapan ng Diyos na kanyang pinanaligan, ang Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumikha sa lahat ng bagay. Bagamat wala nang pag-asang magkaanak, nanalig pa rin si Abraham na siya’y magiging ama ng maraming bansa, ayon sa sinabi sa kanya, “Kasindami ng bituin ang magiging lahi mo.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 6-7. 8-9. 42-43
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
o kaya: Aleluya.

MABUTING BALITA
Lucas 12, 8-12
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.
“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Maligayang Kapistahan ni Santa Margarita Maria! Siya ang nagpalaganap ng debosyon sa Sacred Heart of Jesus. Kaya naman, kung tayo ay gagaya sa kanyang debosyon sa Kabanal-banalang Puso ni Jesus, wala na tayong dapat ikatakot pa. Sikapin nating mahalin at mamuhay sa Puso ni Jesus. Kilalanin natin Siya at pakinggan sa ating mga dasal. Sapagkat nasanay tayong tayo lang ang laging nagsasalita. Mas dapat tayong matakot na ang mundo ay mabalot sa kasinungalingan gaya ng nangyagari ngayon unti-unti. Sapagkat may mga taong takot magsabi ng totoo. Bakit natin kailangang matakot kung nagtitiwala tayo sa Diyos na nag-aalaga at nagtuturo sa atin ng lahat ng bagay?
Makinig tayo sa Kanya nang malaman natin ang ating mga gagawin at nang magabayan ang bawat hakbang natin sa buhay. Amen. +

Pagnilayan natin ito. Amen. +
Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.
Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications www.awitatpapuri.com

Defend The Catholic Faith

About Author

Safeguards have been created to ensure the orthodoxy of the contents of our website. If, despite strictly adhering to the dogmas and magisterial authority of the Church, errors have been pointed out and proven, I will humbly submit to the authority of the Church.

You may also like

Bible Catholic Church Catholic Faith News

WHY THE DEVIL HATES THE BLESSED VIRGIN SO MUCH (AND WHY YOU SHOULD LOVE HER)

  Satan hates the Blessed Virgin Mary. In fact, he has been doing everything in his power to discourage devotion to
Apologetics / Reflections Catholic Church The Sacraments

BINYAG, KASAL, KUMPIL AT IBA PA. BAKIT DAW MAY BAYAD? BY: ADMIN COCO

Sabi ng mga sektang kutya ng kutya sa katoliko sabi nila bakit ang kasal niyo my bayad? binyag my bayad?