“Wala kang utang na loob!
Halos pinagaral ka ng simbahan mula elementarya hanggang mag high school ka tapos iyan ang igaganti mo!”. Yan ang linya ng aking lola na sumapul sa akin na narealize ko mali ang naging desisyon ko. Hindi po ako sa sinasabi nilang “binhi”, magulang ko po ay parehas Katoliko at ang kanilang mga magulang ay ganun din. Bakit ako nagsubok na pumasok? Taong 2015, July yan to be exact, magulo ang buhay ng pamilya namin noon, sunud sunod ang mga problema at pagsubok lalung lalo na sa problemang pampinansyal. Nadepressed ako hanggang sa may mga naghikayat sakin upang makinig sa kanilang doktrina. Babawtismuhan na ako dapat nun August yun eh, kaso sinapit ako ng matinding pagsubok.
Na diagnosed ako sa sakit ng Pneumonia, at hirap na hirap na ako noon nung nasa ICU ako at sinabi na lamang ng doktor kila tita at sa inang ko na panalangin na lamang ang kaylangan sakin. Pinuntahan ng tita ko ang kapilya upang humingi ng tulong pero anong sabi? “Hindi pa bawtisado pamangkin mo”.
Ginawa na ang pagmamakaawa nila pero wala, hindi pa rin kami tinulungan noon. Hanggang sa namanata lola ko sa Quiapo at Baclaran na umaasa sa himala na ako’y gagaling at makalaya sa aking higaan ng kamatayan. October 2015, lalagyan na sana ako ng tubo dahil wala na talaga eh para na lang gulay ang katawan ko na babasain ng tubig para may buhay pa. Tubo na lang ang bubuhay sana sa akin.
Pero gulat nilang nakahinga ako ng todo na parang humikab ba na malalim ang hinugot ng hininga. Nakapagsalita ako, nakangiti sa kanila. Gulat nga ng doktor nun eh. Grabe pasasalamat nila tita at inang noon sa Panginoon. Kaya nung gumaling ako, never na akong bumalik ng kapilya. Bumalik ako sa aking pananampalataya, at doon ko naisip isip na hi di basehan ang paglipat ng pananampalataya para mabago mo ang iyong pamilya o ang iyong sarili. Ang pagbabago ay nasa sariling desisyon at disiplina hindi sa iba. Kaya maraming salamat po sa INC Lokal ng Antipolo, Distrito Ecclesiastico ng Rizal, kayo ang naging way upang maging matatag ako sa pagiging Katoliko!
Mananatiling Katoliko hanggang sa aking huling sandali ng aking buhay.